sa composisyon ni ginoong gab david
ika-20 ng hulyo 2006
sa oras na labing isa’t at dalawang minuto
Kalian ba talaga puwedeng masabi na okay ka
Yun ang feeling mo na walang kahit ano nasa isip mo
Ang alam mo lang eh maging masaya
Magaan ang pakiramdam
Yun tipong kahit ano pang pumasok na kamalasan wala lang saiyo
Dahil alam mo hindi saiyo makakaapekto
Kahit siguro bumuhos man ng malakas na ulan
Wala lang saiyo
Kasi mas gugustuhin mo pang mabasa kasi mas magaan lalo sa pakiramdam
Kalian ba talaga yun tamang panahon
Para sabihin
Wala na akong iniisip na kahirapan
O kaya magkaroon ng mabigat na karamdaman
Napakahirap mag ambisyon ng maging magaan ang puso
Kung lahat na lang sa kapaligiran mo ay problema
Mas madalas nga eh wala ka pa magalawan
Kahit saan ka tumingin e
Mabigat sa iyong mga mata
Dahil sa di kaya-ayang kapaligiran
Napakasakit aminin pero ano ba talaga
Ano ba talaga ang tunay na buhay
Ano ba ang kailangan para maging masaya
Oh alisin man lang itong mga tinik na nasa damdamin
Na nagsimula pa noon
Ngunit hanggan ngayon andito pa rin
Nananalaytay sa bayat dugo ng aking katawan
At unti unti lamang kinikitil ang akin hininga
Ngunit ano ba ang panalo sa labanan na ito
Kung ikaw ay tinuturing isang hapas lupa lamang
Na waiang karapatan
O kaya magreklamo sa mga binibigay ng malupit at mapang-aping mundo
O mahabagin na tadhana
ano ba talaga ang nais mo sa aking nag iisang buhay
bakit sa bawat patak ng oras
kay bigat ng akin dinadala
tila ba nasa akin ang lahat na kahirapan at pagkakamali
kay sakit isipin at yakapin
ang bigat ng tadhana na akin pasan pasan
ngunit ngayon eto ako
nabubuhay at nag iisa
naghihintay ng tamang oras
at nagbabasakaling mapagbigyan kahit isang saglit
isang magaan na puso
at luwalhati na kaisipan
sa kadahilanaan na akin napagtanto kasi wala naman mawawala
kung ako ay maghintay at maging masayasa sa bandang huli
kaya eto pa rin ako nagbabasakali ng aking iisang buhay
at bigyan ng pag-asa ang nag iisang buhay