Thursday, August 04, 2005

a frolicsome day for us...

this are things, simple but funny notions,
we gathered while having our unplanned treck
that give us a great experience
that we will be cherishing for the rest of our lives…
I would like to give my deepest thanks to my partners
whom I shared this funny and memorable experience
I salute you guys
‘til our next trip ;-)

1.
Kapag 5 am ang napagusapang 'call time' dahil sa nais salubungin ang pagsikat ng araw sa dagat, siguraduhing magigising lahat at wag mag "5 minutes pa!". Huwag na din mag-intay na gumising ang iba, ikaw na mismo ang manggising (pero sa totoo lang, dapat mas maaga pa ang gising kung gusto talaga makita ang sunrise).

2.
Kung ikaw ang unang nagising, aba'y maligo ka na! Pero kung di mo nais maligo dahil pupunta nga naman kayo sa beach, sabihan agad ang iba para di maghintayan kung sino ang mauuna. Nagtutulug-tulugan lang yan at naghihintayan.
3.
Kung maaari lang sana ay siguraduhing kumpleto ang lahat ng dadalhin nung gabi pa lang. Pero kung dahil sa pagod sa biyahe at paggala e makaligtaan ito, gumising na lang ng maaga para makapag-ayos. Mas mainam kung gumawa ka muna ng listahan para dito.
4.
Palaging paalalahanan si Kahlou kung ok na lahat tulad ng tubig ng kotse, oil ng kotse, etc. lalo na ang hangin sa gulong. Mahirap maghanap sa daan kasi marami sa mga gasolinahan e kag
ulat-gulat na walang hanginan!
5.
Siguraduhin talaga na may checklist (reiterate!) at idobol check ito, para habang nagnagmamaneho si Kahlou eh biglang maalala na may nakalimutan at sumigaw na "Crap! Wala tayong towel!", "Wala tayong banig!" at kung anu-ano pa...
6.
Pero pinakamahalaga sa lahat! Bago umalis, siguraduhing nai-lock nga naman ang pintuan ng bahay bago lumarga! Masyado kasi naexcite, nakakalimutan na.
7.
Kapag sinabi ng pupunta ng beach, tandaan na dalhin ang extra shorts and slippers para di kailangang makipag-bargain sa palengke para makahanap ng murang damit, at di magkasya sa damit ng bata (hihihi!)
8.
Kung maghahanap man sa palengke ng damit, wag na umasa na may makitang kaaya-aya o tamang-tama sa gusto nya dahil limited talaga ang choices sa palengke. AT kung wala na talaga mapili, pwede na din siguro magkasya sa mabulaklak at maiksing pangbabae na shorts (hehehe)
9.
Kapag may nagsabi na certain someone na sasama sya, eh wag ka ng maniwala kasi dakilang hari ng ka-drawingan itong taong ito.
10.
At kung makatanggap ka man ng text sa taong ito na "asan na kayo?" ... magtaka kayo kasi parang naka-save na ata sa outbox ang message na ito dahil kagabi pa nya tine-text yun.
11.
Pero panatilihing maunawain lang sa kalagayan nya dahil we understand naman na "family first" eh.
We understand... whehehe
12.
Unang babala para sa mga gustong sumama, bawal sa beach nila ang taong reklamador o reklamadora kasi medyo trek ang papunta sa resort, at cow-boy talaga kasi wala pa itong amenities. In other words, don't expect much but the raw nature of the ocean (naks!)
13.
Kapag nasa beach kayo nina kahlou, at kasama nyo sya, siguraduhing mag-ingat sa mga corals dahil sasabihan niya kayo na 'every year, 0.8 cm or 0.5 cm lang ang nilalaki nito... imagine that!' (nyaks! Imagine talaga the paranoia!)
14.
Kapag bumibiyahe na pauwi at pagod na ang driver (re: Kahlou), at magsabi na sya na inaantok sya, dapat may isang tao na mag e-entertain o sumayaw para mabuhay ang lahat -- no questions asked!
15.
Sa kamalasang mangyari ulit ito, kapag kayo ay biglang naalimpungatan at napansin na nsa Alaminos, Laguna na kayo imbes na Calauan, e baligtarin agad ang mga suot nyo (o kahit si gab na lang lagi) with no excuses or questions! In other words, na-engkanto kayo.
16.
Kaya mainam talaga na panigurado ang magdala ng mapa para kung maligaw man, e katangahan sa pagbasa ng mapa lang ang dahilan at di engkanto.
17.
At pangalawa sa pinaka-importante sa lahat syempre, magdala ng digi-cam para mas masaya ang araw! At gawin ito mosaic para mang-inggit ng iba! (bwahaha! joke!)

No comments: