enero 5, 2004
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
ito ang aking nararamdaman
kay tagal ko na ito naramdaman
ngunit
ngayon ko na naman lang nadama
ang sakit
napakasakit
tila bang parang sugat na di maalis alis
parang mas higit pa sa ketong
unti unting kinakain ang aking sarili
sana nga kung totoong nangyayari
ngunit hindi
damdamin lamang ang pinapatay
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
parang bulkan na natutulog
na biglang nabuhay
at gustong sumiklab ng lagim
ngunit hindi ko naman kaya
luha ay hindi napapasin
walang tulo
o kahit man lang bahid
parang isang silakbo na gustong similyad
sa isang silid na madilim
at maghari sa kalawakan
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
parang altapresyon tumataas ang timbang ng dugo
unti unti umaakyat sa ulo
ang sakit
di basta maibsan
kahit anong gawin
iyon ang nasa aking pakiramdam
parang bang gamu-gamo sa dilim
nagmamadali pumunta sa isang butil na liwanag
para lang mamatay
na walang alinlangan sa mga kasama
o kapwa gamu-gamo
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
aray
masakit
di ko na ito kaya
ano pa ba ang dapat gawin
at ano ba ang nagawa
para maramdaman ang sakit na ito
ito ba ay bigay o regalo ng may kapal
o isang karma
marahil walang sinuman mapagbintangan
sa sakit na aking naramdaman
kumitil man ng buhay ay wala pa rin itong saysay
buhay na walang patutunguhan
kahit anong liwanag lumiyab sa dako
walang makakapawi ng hirap
at hinagpis ng aking sinasapit sa ngayon
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
dinadasal na mawala
parang isang bula sa dagat
o kahit man lang abo pagkatapos ng apoy
ngunit di pa rin makita
maramdaman ang aking minimithing pag pawi
minsan hiniling mawala
na parang hangin na dumampi sa aking pisngi
at sa isang iglap nawala
ang panan dalian saya ay napawi muli
ano pa ang kailangan ko
paano pa
saan pa
at bakit pa
sana man lang
humimlay na lang ako
walang iniisip o alinglangan
sa isang papag na walang nararamdaman
ngunit di pa rin makuha
maramdaman
o makamtam
ang inaasam
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
gusto kong sumigaw
ito na lang ata ang aking magagawa
walang ingay
walang kibo
wala lahat
at mag isang tumukoy ng hinaharap
siguro ito na talaga ang aking buhay
buhay na minsan puno ng kaguluhan at kasiyahan
ngayon sinakluban ng karahasan
walang magawa
buhay kong
walang saysay na
ito na siguro ang aking buhay magpakaylan man
wala na akong boses
wala na akong isisigaw
wala na
ito na ang aking katapusan
marahil hanggang dito na lang ang aking minsyon
hanggang sa huling hininga
isa lang ang iniisip
ang maging masaya siya sa piling ng iba…
No comments:
Post a Comment